Latest Entries

Ang Mahal na Araw

Wednesday, March 31, 2010 by lisa , under

bakit maingay?

kahapon ng hapon, natutulog ako nang magising ako sa ingay. may tugtugan sa kalye, parada yata. ano kayang meron, sumilip ako sa bintana. may iilang tao, nakita kong nakiki-usyoso. hindi na ko lumabas, nangangampanya lang pala.

ang alam ko pag mahal na araw, tahimik sa paligid. sabi ng matatanda, bawal daw kasi ang maingay. pero bakit ganon, pati ba naman Semana Santa hindi pinalagpas sa pangangampanya?

naistorbo pa ang pagtulog ko.

001

Tuesday, March 30, 2010 by lisa , under

habang nakikinig ng music, naisipang gumawa ng blog.


why blogger?

-easy to use.

why solitary room?

-definitions of solitary:

.from urban dictionary, the word "solitary" means single player.

.from the free dictionary, it means, alone, lonesome, lonely.

.from merriam-webster dictionary, the meaning is being alone.

ano naman ang meaning ng "room"? sa tagalog, kwarto, silid.

kaya ang solitary room sa madaling salita, "lonely room".


isa lang napupuntahan, mag-isa, nag-iisa, pag-iisa.

am i alone? am i lonely? loner ba ako?

sometimes loner ako, madalas hindi.

pero bakit nga solitary room? nakikinig nga kasi ako ng music nung maisipan kong gawin ang blog na 'to. Ocean Deep ang tugtog.

sabi sa kanta...

"...solitary room, ohocean dee-eee-p.."

nakuha ko lang dun, natuwa kasi ako. saka mas magandang magsulat pag nag-iisa ka lang sa silid, walang istorbo.